Milo Marathon lalarga ngayon
MANILA, Philippines - Itataya nina Eduardo Buenavista at Mary Joy Tabal ang kanilang mga korona sa men’s at women’s division sa National Finals ng 38th Milo Marathon ngayong umaga sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Nauna nang kinansela ang National Finals noong Disyembre 7 dahil sa bagyong ‘Ruby’.
Maglalaban-laban ang mga nanalo sa qualifying legs sa Baguio City, Dagupan, Tarlac, Angeles City, Naga (Agosto 24), Lucena, Puerto Princesa, Lipa, Iloilo, Bacolod, Tagbilaran, Cebu, Butuan, Cagayan De Oro, General Santos City, Davao at Manila.
Bukod kina Buenavista at Tabal, inaasahan ring makikipaglaban para sa karangalan sina elite runners Eric Panique, Christabel Martes, Anthony Nerza at Philip Dueñas.
Si Buenavista ay isang five-time Milo Marathon King.
May P300,000 at tropeo ang pag-aagawan sa 42-kilometer race bukod pa ang all expense paid trip sa 2015 Tokyo Marathon sa Japan para sa tatanghaling Marathon King at Queen.
- Latest