Sixers nakatikim ng panalo
MINNEAPOLIS -- Sa huling 16 segundo ay inihinto ni referee Zach Zarba ang pagtira ni Henry Sims ng Philadelphia 76ers sa free throw line laban sa Minnesota Timberwolves.
Ito ay dahil sa nasa maling direksyon ang Sixers kagaya ng nangyayari sa kanila ngayong season.
Lumipat ng kabilang court ang Philadelphia at inulit ang laro.
Nalagay sa tamang direksiyon ang Philadelphia.
Napigilan ng 76ers na maduplika ang record para sa pinakamasamang umpisa sa season sa NBA history nang wakasan ang kanilang 0-17 skid sa pamamagitan ng 85-77 panalo laban sa Timberwolves.
Sa Salt Lake City, kahit na wala si DeMar DeRozan sa lineup ay alam ni Kyle Lowry na may malaki siyang res-ponsabilidad para umiskor sa Toronto.
Tumapos si Lowry na may season-high na 39 points mula sa 13-of-22 shooting para igiya ang Raptors sa 123-104 panalo kontra sa Utah Jazz.
Nalasap ng Jazz ang kanilang pang-pitong sunod na kamalasan.
Umiskor sina Greivis Vasquez at Lou Williams ng tig-17 para sa Raptors, may anim na players na umiskor ng double figures.
Si Lowry ay may ave-rage na 26.3 points sa walong road games nga-yong season.
“I know I got to score a little bit more and be more aggressive,’’ sabi ni Lowry. “I could do it with DeMar (healthy), but as a point guard, I like to get my teammates involved. Right now, I got to be a little bit more assertive.’’
Tumipa sina Derrick Favors at Enes Kanter ng tig-19 points sa panig ng Utah, habang nagdagdag si Gordon Hayward ng 16 points kasunod ang 15 ni Trey Burke.
Sa Charlotte, kinausap ni Pau Gasol ang kanyang mga bagong Chicago Bulls teammates matapos ang kanilang double-overtime loss sa Dallas Mavericks noong Martes ng gabi.
Gusto niyang tiyakin na maipapagpag ng Bulls ang naturang kabiguan para tutukan ang kanilang laro sa Charlotte Hornets.
Humakot si Gasol ng 19 points at 15 rebounds, habang nagtala sina Joakim Noah at Nikola Mirotic ng double-doubles para tulungan ang Bulls sa 102-95 panalo laban sa Hornets.
Ito ang pang-10 dikit na talo ng Charlotte.
- Latest