Foton sinilat ang Cignal
BIÑAN, Laguna, Philippines – Pride na lamang ang ipinaglalaban, sinilat ng Foton ang Cignal, 25-19, 25-17, 22-25, 25-23, kahapon sa 2014 Philippine Superliga na handog ng Asics na dumayo sa Alonte Sports Arena dito.
Pinangunahan nina Russian imports Irina at Elena Tarasova ang Tornadoes sa kanilang morale-boosting win sa women’s division ng inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katulong ang Air21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.
Nagtala si Irina ng 21 kills at may tatlong blocks para tapusin ang laro na may game-high na 25 points habang kumamada si Elena ng 10 kills at anim na blocks para sa 20 points bukod pa sa kanyang mahusay na depensa.
Tinapos ng Foton ang double-round eliminations na kulelat sa 3-7 panalo-talo at nalaglag sa classification round kung saan lalaban sila para sa 5th place kontra sa Mane ‘N Tail sa Linggo.
Tumapos si Ammerman ng 21 points para sa HD Spikers na nakatakdang humarap sa top seed na Petron sa sudden-death semifinal game. Ang mananalo ay uusad sa finals laban sa mananalo sa Generika-RC Cola-Air Force semis battle.
“For us, there’s no such thing as ‘nothing at stake,’” sabi ni Foton coach Villet Ponce-de Leon. “Our team was assembled very late. We had a lot of ups and downs.”
- Latest