^

PM Sports

Ayaw na ni Chot Maging Gilas coach

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mismong si Chot Reyes ang humi-ling kahapon sa binuong Search and Selection Committee ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na huwag na siyang isama sa listahan ng mga ikukun-siderang head coach ng Gilas Pilipinas.

Sa kanyang Twitter account na @coachot, sinabi ni Reyes na gusto niyang makahanap ang naturang komite na binuo ni SBP president Manny V. Pa-ngilinan ng iba pang potensyal na kandidato para maging mentor ng Nationals.

“I humbly request that my name would not be considered by the Committee as a candidate for the national team coach of Smart Gilas Pilipinas,” wika ni Reyes sa kanyang statement. “This will allow the Committee to do its work unencumbered, take a broader view of other potential candidates to this national job, and enable the Gilas program to move on unfettered,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay inihayag ng SBP ang pagbuo sa Search and Selection Committee para sa magiging bagong coach at miyembro ng Gilas Pilipinas.

Sa likod ni Reyes ay muling nakapaglaro ang bansa sa FIBA World Cup matapos ang 36 taon nang sumabak ang Gilas Pilipinas sa nasabing torneo sa Spain.

“Indeed, it is time for someone else to take over the wheel; it is time for me to hand over that wheel,” sabi ni Reyes, iniluklok bilang kapalit ni Rajko Toroman noong 2012 at kaagad iginiya ang Nationals sa korona ng Jones Cup kasunod ang pagkuha sa bronze medal noong 2014 FIBA-Asia Cup.

Gagawa ang nasabing komite ng “short list” ng mga kandidato para sa coaching job sa Gilas Pilipinas na isusumite sa SBP Executive Committee na binubuo ng SBP chairman, president, vice chairman, vice president at executive director.

Kabilang sa mga maaaring ikunsidera sa trabaho na iniwan ni Reyes ay sina Tim Cone ng Purefoods, Yeng Guiao ng Rain or Shine, Norman Black ng Meralco, Jong Uichico ng Talk ‘N Text at New Zealand team consultant Tab Baldwin.

Ang mga bagong Gilas Pilipinas at cadet team ay isasabak sa siyam na international tournaments sa susunod na taon.

Ang dalawa sa mga events na tututukan ng SBP sa 2015 ay ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo at ang 28th FIBA-Asia Championship sa China sa Agosto na magsisilbing regional qualifier ng Rio de Janeiro Olympics sa 2016.

Ang mga amateur at collegiate players ang isasabak ng SBP sa SEA Games, habang huhugot naman sila ng mga players sa PBA para sa FIBA-Asia Championship.

ASIA CHAMPIONSHIP

ASIA CUP

CHOT REYES

EXECUTIVE COMMITTEE

GILAS

GILAS PILIPINAS

JANEIRO OLYMPICS

REYES

SEARCH AND SELECTION COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with