^

PM Sports

Reyes tanggap ang desisyon ni MVP

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pa-ngilinan na ipagpapatuloy nila ang programa ng Gilas Pilipinas matapos sibakin si head coach Chot Reyes at buwagin ang koponan.

Bumuo ng screening-selection committee ang SBP Board na siyang maghahanap ng bagong head coach ng Gilas Pilipinas at ng mga miyembro ng national pool.

Tanggap naman ni Reyes ang naging desis-yon ni Pangilinan kaugnay sa pagtatanggal sa kanya bilang mentor ng Nationals.

“I have been assured by both SBP President Manny V. Pangilinan and SBP Executive Director Sonny Barrios that the Gilas Pilipinas program has not been disbanded, and will continue under a regime of broader consultation with the basketball community, which I support,” sabi ni Reyes sa isang statament kahapon.

Idinagdag ni Reyes na tanging ang SBP Board lamang ang makakapagdesisyon kung muli siyang kukunin bilang coach ng Nationals.

“As to whether I will continue to be the Gilas coach or not depends on the SBP Board under whose mandate I have served since being appointed as head coach since 2012,” wika ni Reyes.

Ilan sa mga inaasa-hang magiging kandidato para sa coaching job ng Gilas Pilipinas ay sina Tim Cone ng Purefoods, Yeng Guiao ng Rain or Shine, Norman Black ng Meralco at Jong Uichico.

Sina Cone, Guiao at Black ay pawang may eksperyensa na sa paghawak sa national team.

Gagawa ang nasabing komite ng listahan ng mga kandidato para sa coaching job sa Gilas Pilipinas na isusumite sa SBP Executive Committee na binubuo ng SBP chairman, president, vice chairman, vice president at executive director.

“I fully support the process. Tama naman ‘yun, lahat ng programa at the end of it kailangan i-evaluate, kailangan i-assess kasi that’s how a program develops,” wika ni Reyes sa panayam sa kanya ni Jessica Soho kamakalawa ng gabi.

Ang mga bagong Gilas Pilipinas at cadet team ay isasabak sa siyam na international tournaments sa 2015.

Ang dalawa sa mga events na tututukan ng SBP sa 2015 ay ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo at ang 28th FIBA-Asia Championship sa China sa Agosto na magsisilbing regional qualifier ng Rio de Janeiro Olympics sa 2016.

Ang mga amateur at collegiate players ang isasabak ng SBP sa SEA Games, habang huhugot naman  ng mga players sa PBA para sa FIBA-Asia Championship.

Sa likod ni Reyes ay muling nakapaglaro ang bansa sa FIBA World Cup matapos ang 36 taon nang sumabak ang Gilas Pilipinas sa nasabing torneo sa Spain. (RCadayona)

ASIA CHAMPIONSHIP

CHOT REYES

EXECUTIVE COMMITTEE

EXECUTIVE DIRECTOR SONNY BARRIOS

GILAS

GILAS PILIPINAS

PILIPINAS

REYES

SBP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with