^

PM Sports

Petron Spikers puntirya ang liderato sa pagharap sa Mane ‘N Tail sa Ilocos

Pang-masa

STO. DOMINGO, Ilocos Sur, Philippines -- Ang pagsos-yo sa liderato ang hangad ng Petron sa pagsagupa sa Mane ‘N Tail sa 2014 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na inihahandog ng Asics dito sa Sto. Domingo Coliseum.

Babanderahan nina reinforcements Erica Adachi at Alaina Bergsma, haharapin ng Blaze Spi-kers ang Lady Stallions ngayong alas-4 ng hapon sa women’s division ng inter-club tournament na inorganisa ng Sports Core katuwang ang Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, bilang technical partners.

Sa ikalawang laro sa alas-6 ng gabi ay magtatapat naman ang RC Cola-Air Force at ang Generika.

Nakisali ang mga players kahapon sa isang volleyball clinic kasama ang 100 elementary at high school students sa University of Northern Phi-lippines bilang bahagi ng “Spike on Tour” program.

Sumama rin sila sa naganap na motorcade na dumaan sa mga heritage sites ng probinsya.

“The dream is to showcase high level tournaments in the province,” sabi ni Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson. “We also want to promote Ilocos Sur as the sporting hub of the north. And this tournament is a major step in the right direction.”

Nagbida naman si Bergsma sa 26-24, 25-18, 23-25, 25-23 panalo ng Petron sa Generika sa kanilang opening game sa Smart Araneta Coliseum.

Si Adachi ay nagtala ng 47 sa 49 excellent sets ng Blaze Spikers.

Sa kabila naman ng 15-25, 25-22, 19-25, 24-26 kabiguan ng Mane’ N Tail sa Cignal ay nakahugot ang Lady Stallions kay import Kristy Jaeckel ng 31 points.

Samantala, duduplikahin ng RC Cola-Air Force ang kanilang 25-13, 25-20, 25-14 pananaig laban sa expansion team na Foton sa pagsagupa sa Generika sa alas-6:00 ng gabi.

ALAINA BERGSMA

BLAZE SPI

BLAZE SPIKERS

COLA-AIR FORCE

DOMINGO COLISEUM

GENERIKA

ILOCOS SUR

LADY STALLIONS

N TAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with