Vucevic pumirma sa Magic ng $54M, 4-yr. extension
MANILA, Philippines - Nakipagkasundo ang Orlando Magic sa four-year, $54 million contract extension kay center Nikola Vucevic, ayon sa source sa Yahoo Sports.
Nagposte si Vucevic ng mga averages na 13.6 points at 11.5 rebounds sa kanyang unang dalawang seasons sa Magic matapos mahugot mula sa Philadelphia 76ers para palitan si Dwight Howard.
Makakatanggap si Vucevic, magiging 24-anyos sa Biyernes, ng $2.9 million sa huling taon sa kanyang kontrata ngayong season bago makakuha ng average na $13.3 million per season sa kanyang bagong termino.
Durant hindi mapakali
Sa Oklahoma City, sinabi ni Thunder forward Kevin Durant na hindi na siya mapakali simula nang malaman na hindi siya makakapaglaro sa kaagahan ng season dahil sa nabaling buto sa kanyang kanang paa.
Sumailalim siya sa operasyon noong Oct. 16 at mu-ling oobserbahan ng limang linggo.
Dumalo siya sa media session sakay ng isang scooter at nakitang ang ibabang bahagi ng kanyang kanang binti ay nakasemento. Sinabi ni Durant na hindi pa siya nakaranas maoperahan noon kaya hindi niya alam kung ano ang pakiramdam.
Ayon pa kay Durant, ang kanyang sitwasyon ay magbibigay ng pagkakataon sa kanyang mga teammates na magtrabaho ng maganda at naniniwalang makakabuti sa koponan ang kanyang pansamantalang pagkawala.
Butler na-sprain ang daliri
Sa Chicago, inihayag ng Bulls na hindi makakalaro si guard Jimmy Butler sa huli nilang preseason game bunga ng injury sa daliri nang mang-agaw siya ng pasa sa first quarter sa kanilang 101-96 panalo sa Charlotte.
Inihayag ng Bulls noong Martes na nakumpirma sa MRI at ilang pagsusuri ang pagkakaroon ni Butler ng sprained thumb ligaments.
- Latest