^

PM Sports

Darating si Manny sa PBA opening

Pang-masa

MANILA, Philippines - Luluwas si boxing superstar Manny Pacquiao sa Maynila mula sa Gen. Santos City bukas ng tanghali bago dumiretso sa Bocaue, Bulacan para sa kanyang PBA debut bilang playing coach ng Kia Motors laban sa Blackwater sa pagbubukas ng PBA Season 40 sa Philippine Arena.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Eric Pineda, ang Kia Sorento team manager at business manager ni Pacquiao.

“That’s confirmed. He’ll do sparring (ngayon) then flies to Manila. (Boxing trainer) Freddie Roach has allowed Manny to play,” sabi ni Pineda.

Bagama’t nasa kaigtingan ng kanyang paghahanda laban kay Chris Algieri sa Nobyembre sa Macau ay sinusundan pa rin ni Pacquiao ang pagsasanay at preparasyon ng Kia Sorento para sa kanilang PBA debut.

“We’re sending him videos and he knows the plays. He has high basketball IQ. His inputs (sa plays) are all right,” wika ni Kia chief assistant coach Glenn Capacio.

Wala pang katiyakan kung maglalaro ng matagal sa court si Pacquiao.

“He’s the playing coach. It’s up to him. He also decides whether he starts or comes off the bench. Of course, we’ll be there to assist him,” wika ni Capacio.

Unang darating ngayong gabi sa Maynila mula sa Gen. Santos City ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee na siyang magiging muse ng Sorentos para sa parada.

Hindi rin tiyak kung manonood si Roach ng laro ni Pacquiao.

“Not sure. May sakit ‘yung kaibigan natin,” ani Pineda.

Inaasahang ilang minuto lamang maglalaro si Pacquiao kagaya ng kanilang tune-up game ng Blackwater Elite sa Biñan, Laguna kamakailan.

May kinuhang 200 buses ang Kia para magdala sa Bocaue at magbalik sa Maynila ng halos 10,000 fans.

Sa kanilang laro ay ilalatag ng Sorentos ang isang Kia Picanto bilang special prize sa isang half court shootout sa hanay ng mga mapipiling fans.

“If nobody gets it in the Kia-Blackwater game, they may extend the shootout all the way to the Gineb-ra-Talk ‘N Text match,” sabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial.

Kahit galing sa dispersal draft at rookie draft ang mga player nila, umaasa ang Kia na makakatikim sila ng panalo sa kanilang unang PBA season.

Sinabi ni Ginia Domingo, ang alternate representative ng Kia sa PBA board, na huhugot ang koponan ng inspirasyon kay Pacquiao.

Ipaparada ng Kia sina dating PBA top draft pick and Rookie of the Year na si Rich Alvarez, Hans Thiele, LA Revilla, Richard Alonzo, Rudy Lingganay, Reil Cervantes at Michael Burtscher.

Ang mga rookies ay sina Kenneth Ighalo, Eder Saldua, Josh Webb, Paul Sanga, Alvin Padilla at Angelus Raymundo.

ALVIN PADILLA

ANGELUS RAYMUNDO

BLACKWATER ELITE

BOCAUE

KIA

KIA SORENTO

MAYNILA

PACQUIAO

SANTOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with