Creamline babalik sa porma

MANILA, Philippines — Ibubuhos na ng Creamline ang buong puwersa nito upang makabalik sa porma sa krusyal na semifinal round ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference.
Nakatikim ang Cool Smashers ng 25-23, 25-22, 21-25, 25-16 kabiguan sa Petro Gazz Angels noong Sabado sa Ynares Center sa Antipolo upang malaglag sa 0-1 baraha sa round-robin semis.
Dahil sa pagkatalo ay kinakailangan ng Cool Smashers na walisin ang lahat ng asignatura nito upang manatiling buhay ang pag-asa nitong makapasok sa finals.
Para kay Cool Smashers team captain Alyssa Valdez, kailangang kalimutan na agad ang lahat para misentro ang kanilang atensiyon sa susunod na laban.
Sunod na makakasagupa ng Creamline ang Akari Chargers bukas.
“We’ll prapare and let’s see on Tuesday,” ani Valdez na nagtala ng triple double sa kanyang 10 points, 10 digs at 10 recpetions.
Sublit hindi ito sapat para makuha ng Cool Smashers ang panalo.
Mas kakaunti ang errors ng Creamline (19) kumpara sa Petro Gazz (24).
- Latest