^

PM Sports

San Mig Coffee balik sa pangalang Purefoods

Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos maglaro sa ilalim ng San Mig Coffee Mixers banner, muling isusuot ng reigning PBA four-peat champions ang uniporme ng Purefoods sa  PBA Season 40 sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Si James Yap at ang kanyang mga kakampi ay tatawaging Purefoods Star Hotshots sa kanilang paghahangad sa pang-limang sunod na korona na sisimulan nila sa Miyerkules sa pagharap sa Alaska Milk Aces na gagawin sa Smart Araneta Coliseum.

Sumali ang prangkisa sa PBA noong 1988 gamit ang uniporme ng Purefoods Hotdogs at naging instant hit dahil kina playing coach Ramon Fernandez, dating MVP Freddie Hubalde at mga prized amateur recruit  na sina Jerry Codiñera, Jojo Lastimosa, Glenn Capacio at Jack Tanuan.

Higit pang sumikat ang koponan nang pumasok sa team sina Alvin Patrimonio, Nelson Asaytono at Dindo Pumaren.

Sa ilalim ng Purefoods banner, kumolekta si Patrimonio at ang tropa ng pitong PBA titles.

Nakamit ni legendary coach Virgilio “Baby” Dalupan ang kanyang pang-15 PBA title at ang kauna-unahan para sa Purefoods sa come-from-behind 3-2 titular series win kontra sa Alaska Milk noong 1990 Third Conference.

Pinagharian ng Purefoods sa ilalim ng namayapa nang si Ely Capacio ang sumunod na all-Filipino tourney kasunod ang pagbibigay ng korona nina Chot Reyes, Eric Altamirano at Ryan Gregorio.

Dinala na ng koponan ang mga brands na kagaya ng Coney Island, Oodles, B-Meg Derby Ace at San Mig Coffee ngunit mas kinikilala pa rin sila bilang Purefoods team.

Ito ang inihayag ng management sa thanksgiving party sa Mega Tent sa Libis, Quezon City kahapon.

“We have new products under the Purefoods Star brand. We’re promoting these,” sabi ni Rene Pardo, ang kinatawan ng koponan sa PBA board.

“Saka suwerte kami kapag nagpapalit ng pangalan. Champion agad,” pahayag ni Pardo.

Sa apat na sunod na kampeonato, target ng Hotshots na makatabla sa league record na anim na dikit na korona ng Crispa Redmanizers.

Pinanatili ni coach Tim Cone ang kanyang lineup na naghari sa nakaraang Governors’ Cup para kumpletuhin ang 2013-14 season sweep.

ALASKA MILK

ALASKA MILK ACES

ALVIN PATRIMONIO

B-MEG DERBY ACE

CHOT REYES

CONEY ISLAND

CRISPA REDMANIZERS

DINDO PUMAREN

PUREFOODS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with