^

PM Sports

FEU spikers nakabawi

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nailabas ng FEU Tamaraws ang tibay ng dibdib nang bumangon  mula sa pagkatalo sa unang dalawang sets bago itakas ang 17-25, 21-25, 25-23, 25-20, 16-14 panalo sa Rizal Technological University Blue Thunders sa Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Ang ikatlong laro sa men’s division sa ligang inor-ganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s ay uma-bot sa five sets at nakuha pa ng Tamaraws ang panalo kahit naiwanan ng Blue Thunders sa 7-10 sa huling set.

Si Greg Dolor ay mayroong 14 hits at tatlong blocks tungo sa nangungunang 18 puntos habang sina Joshua Barrica at Jeric Gacutan ay tumapos bitbit ang 15 at 13 hits. Si Barrica ay may 11 digs habang si Manolo Refugia ay may 65 excellent sets para makabawi ang FEU mula sa limang sets pagkatalo sa Systema Active Smashers sa unang laro.

May 18 hits si Sahud Masahod na kinatampukan ng 16 kills at dalawang aces para sa RTU na nalagay sa ikaapat na puwesto sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Agad na gumana ang atake ng Blue Thunders sa unang dalawang yugto pero hindi nila nagawang tapusin ang FEU na   nakahanap ng paraan para makabangon.

 

vuukle comment

BLUE THUNDERS

FOREIGN REINFORCED CONFERENCE

JERIC GACUTAN

JOSHUA BARRICA

MANOLO REFUGIA

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY BLUE THUNDERS

SAHUD MASAHOD

SAN JUAN CITY

SHAKEY

SI BARRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with