FIBA 3x3 World Tour Manila West ka-bracket ng Brazil at Romania
MANILA, Philippines - Lalabanan ng four-man Manila West team sa Pool B ang Sao Paolo ng Brazil at Bucharest ng Romania sa pagsisimula ng FIBA 3x3 World Tour sa Sabado.
Ang nasabing tatlong qualifiers ay maglalaban sa single round play para madetermina ang top two na aabante sa knockout quarterfinals kasama ang anim pa mula sa tatlong brackets.
Ang apat na matitirang koponan ay maglalaban sa crossover semis kung saan ang top two teams ang maghaharap para sa korona.
Nasa Pool A ang Denver (USA), Santos (Brazil) at Novi Sad (Serbia), nasa Group C ang Kranj (Slovenia), Jakarta (Indonesia) at Wukesong (China) at nasa Group D ang Saskatoon (Canada), Trbovlje (Slovenia) at Kobe (Japan),
Ang Manila West ay binubuo nina KG Canaleta ng Talk ‘N Text, Rey Guevarra ng Meralco, Aldrech Ramos ng NLEX at Terrence Romeo ng Globalport.
Sila ang isa sa apat na Philippine team na sumabak sa nakaraang FIBA 3x3 Manila Masters leg noong Agosto kung saan nila inagawan ng titulo ang world champion Doha ng Qatar sa finals, 21-17 sa Fashion Hall ng SM Megamall.
Ang World Tour Finals ay sa Oktubre 11 at 12.
- Latest