^

PM Sports

‘Di nakayanan ng Phl karatedo

Pang-masa

INCHEON, South Korea -- Hindi nakayanan ng baguhang si Gay Mabel Arevalo laban kay SEA Games silver medalist na si Sru Nita Sari Sukatendel ng Indonesia para mamaalam agad sa women’s -50kg kumite sa karate sa 0-8 iskor kahapon sa Gyeyang gymnasium dito.

Natapos na ang kampanya ng Pilipinas sa maagang pagyuko ng 20-anyos na si Arevalo para makontento ang anim na karatekas sa isang bronze medal na ibinigay ni Mae Soriano sa women’s -55kg. division.

Lumabas na kampeon sa karate ang bansang pinagmulan ng contact sport, ang Japan, na may tatlong ginto, isang pilak at tatlong bronze medals habang ang isa pang malakas sa larong ito na Iran ang pumangalawa bitbit din ang tatlong ginto at dalawang bronze medals.

Ang Malaysia ang siyang pinakamahusay sa hanay ng South East Asia na kumuha ng dalawang ginto at dalawang bronze medals para pumang-apat sa pangkalahatan kasunod ng Kazakhstan na mayroong 2-3-1 medal count.

ANG MALAYSIA

AREVALO

GAY MABEL AREVALO

GYEYANG

KAZAKHSTAN

LUMABAS

MAE SORIANO

NATAPOS

SOUTH EAST ASIA

SRU NITA SARI SUKATENDEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with