^

PM Sports

Tuloy ang suporta ni Lhuillier sa Blu Girls

Pang-masa

INCHEON, South Korea — Kahit walang naiuwing medalya ang Blu Girls mula sa 17th Asian Games ay itutuloy pa rin ni softball president John Henry Lhuillier ang kanilang program.

Sapat na ang kanilang fourth-place finish para pa-natilihin ni Lhuillier, presidente ng Amateur Softball Association of the Philippines, ang Asian Games team para sa paglahok sa Asian Championship at sa Singapore SEA Games sa susunod na taon.

“Mr. John Henry told us that he will be keeping this team. He was satisfied with our performance, which he said was a major improvement,” sabi ni Blu Girls assistant coach Ana Santiago.

Matapang na hinarap ng Blu Girls ang China sa page system semifinals noong Miyerkules  bago isuko ang 0-3 kabiguan.

“Of course the goal was to get a medal,” sabi ni Santiago. “But the team’s improvement showed when we got the Chinese to win by only three runs.”

Ang Japan ang nag-uwi ng gold medal matapos igupo ang Chinese-Taipei, 6-0, habang nakamit ng Taiwanese ang kanilang ikatlong bronze medal sa Asian Games.

Pinahalagahan ng assistant ni head coach Randy Dizer ang kanilang ‘chemistry’ na tumibay mula sa kanilang three-month training sa US.

Naisama ang softball sa Asian Games program noong 1990 sa Beijing kung saan nanaig ang China para sa gold medal sa tatlong sunod na edisyon bago sinimulan ng Japan ang kanilang ‘dynasty noong 2002 sa Busan.

Pinakain ni Lhuillier ng hapunan ang Blu Girls sa isang hotel sa Incheon noong Miyerkules kung saan niya inihayag na pananatilihin niya ang koponan na kinabibilangan ng siyam na homegrowns mula sa Adamson University, University of the East, Ateneo at Rizal Technological University at anim na Filipino-Americans.

ADAMSON UNIVERSITY

AMATEUR SOFTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANA SANTIAGO

ANG JAPAN

ASIAN CHAMPIONSHIP

ASIAN GAMES

BLU GIRLS

JOHN HENRY LHUILLIER

LHUILLIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with