^

PM Sports

40th season ng PBA paplanuhin sa Korea

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isasagawa ng mga PBA officials ang kanilang planning session sa Incheon, Korea simula bukas at sasamantalahin din nila ang pagkakataong makapagbigay ng suporta sa mga Pinoy Athletes sa Asian Games.

Nauna nang nagtungo sina PBA commissioner Chito Salud at media bureau chief Willie Marcial sa Korea noong Biyernes kasunod si PBA chairman Patrick Gregorio ng hapon.  Ang mga PBA Board of Governors at executive staff ay aalis bukas.

Ayon kay Salud, magiging abala ang mga opisyal sa pagpaplano ng 40th anniversary programs at celebrations ng liga, pagrerebisa ng conference formats at rules para mapaganda ang laban at fan interest, pagrerebisa sa suportang ibibigay ng liga sa Gilas, pagpapalakas sa  PBA D-League, pagdadala ng liga sa ibang lugar at ang team membership expansion policy.

Ayon kay Marcial, kasama na sa planning session ang mga kinatawan ng mga bagong PBA teams na NLEX, Blackwater at Kia Motors.

Kasama sa plano ang panonood ng mga laro ng Gilas ngunit matatapos na ang kanilang quarterfinals assignment ngayon laban sa Kazakhstan matapos sibakin ng Korea kahapon.

 

ASIAN GAMES

AYON

BIYERNES

BOARD OF GOVERNORS

CHITO SALUD

KIA MOTORS

PATRICK GREGORIO

PINOY ATHLETES

WILLIE MARCIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with