Bumanat na naman si Mayweather
MANILA, Philippines - Muli na namang inasar ni Floyd Mayweather, Jr. si Manny Pacquiao.
Sa kanyang mga ipinoste sa Twitter at Instagram, isinama ni American ang tatlong larawan ni Pacquiao na nakalugmok sa canvass matapos pabagsakin ni Juan Manuel Marquez sa kanilang ikaapat na paghaharap noong 2012.
Dalawang beses natumba si Pacquiao sa naturang laban nila ni Marquez kung saan sa ikalawa ay hindi na nakabangon pa ang Filipino boxing icon.
Kinuwestiyon din ni Mayweather ang financial state at pay-per-view marketability ni Pacquiao.
“....Miss Pac Man is broke and desperate for a pay day. Your Pay-Per-View numbers are a joke,” isinulat ni Mayweather sa caption.
Nag-post si Mayweather ng naturang pangungutya dahil nabuhay uli ang usapin para sa kanilang laban ni Pacquiao na sinasabing kikita ng malaki.
Nauna nang idineklara ng World Boxing Council ang kanilang suporta para sa naturang megabuck bout. Maging si trainer Freddie Roach ay nanawagan sa dalawang boxing broadcasters na HBO at Showtime na magkasundo para maitak-da ang nasabing laban.
Hawak ni Mayweather ang record para sa most-watched boxing match sa PPV noong 2007 showdown nila ni Oscar Dela Hoya na bumenta ng 2.4 million units na nagkakahalaga ng $136 milyon sa revenue. Nalampasan nito ang dating record na 1.99 million PPV units sa ikalawang banggaan nina Evander Holyfield at Mike Tyson noong 1997.
Bumagsak naman ang PPV numbers ni Pacquiao, kasama dito ang kanyang panalo kay Brandon Rios sa Macau noong 2013.
Kasalukuyan niyang hinaharap ang tax issues sa Pilipinas at sa US.
- Latest