^

PM Sports

May aasahan pa Wala pa ring ginto ang Pilipinas

Beth Repizo-Meraña - Pang-masa

INCHEON, South Korea -- Bagama’t isa isa nang nalalagas ang inaasahan ng Pinas na makapaghatid ng gintong medalya, mayroon pa ring natitirang pag-asa.

Pumasok sa quarfinals ang mga boxers na sina Mario Fernadez at Charly Suarez  at ang mga susunod nilang panalo ay sisiguro ng bronze medal.

Umusad sa susunod na round  si Fernandez nang bugbugin si Puran Raj ng Nepal para sa unanimous decision win sa men’s bantamweight 56kg,  sa Seonhak gym.

Sinundan ito ng split decision win ni Suarez kay Akmil Kumar ng India upang patuloy na may aasahan na gold sa boxing.

Sa tennis, umusad ang tambalang Ruben Gonzales Jr. at Treat Huey sa quarterfinals ng men’s doubles nang sibakin ang pares nina Chi Neng Chan at Ho Tin Marco Leung ng Macau, 6-0, 6-3.

Makakasagupa nina Huey at Gonzales ang mananalo sa pagitan ng Korea at Indonesia ngayon.

Inaasahan ding magbigay ng medalya ang archers na lumalaban pa.

Nag-aagaw-buhay naman ang pinaniwalaan na palaban sa gintong medalya na Gilas Pilipinas nang bumagsak sa Qatar, 77-68 sa pagsisimula ng quarterfinals ng basketball competition.

Tuluyan namang namaalam ang Pinoy tankers nang matalo sina Josh Hall at Jasmine Alkhaldi sa swimming competition.

Kinapos si Hall ng 0.01 segundo na naglagay sa kanya sa ika-9th place sa men’s 50m breastroke, habang lumagapak si Alkhaldi sa 10th place sa overall sa 50m women’s freestyle event.

Sa bowling, bigo rin ang women’s doubles nina Anne Marie Kiac at Liza Clutario na tumapos bilang 11th place sa Squad A, habang sina Liza del Rosario at Marian Lara Posadas ay pang-12th sa Squad B.

Nalaglag din ang mixed triathlon team, na nalagay lamang sa sixth place.

Sa golf, nalaglag din ang mga pambatong sina Princess Superal at Mia Legaspi sa overall individual ladder.

Matapos makisalo sa fourth overall sa first round, nagtala si Superal ng 73 para sa eighth place sa 142 total pero mas maganda ang puwesto ni Legaspi matapos ang kanyang even-par 72 para kumplementuhan ang kanyang 72 sa opening-round para sa iskor na 144.

Sa likod ng mga kabi-guang ito, optimistiko pa rin si chief of Mission Ritchie Garcia na may darating na medalya lalo pa’t may mga sasabak pang atleta mula sa taekwondo, karatedo, BMX cycling at rugby team para madagdagan ang 2-silver at 1-bronze ng Pinas mula sa wushu.

AKMIL KUMAR

ANNE MARIE KIAC

CHARLY SUAREZ

CHI NENG CHAN

GILAS PILIPINAS

HO TIN MARCO LEUNG

JASMINE ALKHALDI

JOSH HALL

LIZA CLUTARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with