^

PM Sports

Fernandez nalo sa pagsisimula ng kampanya ng Phl Boxing team

Pang-masa

INCHEON, South Korea -- Sinimulan nina Mario Fernandez at Charly Suarez ang kampanya ng Phil team sa pamamagitan ng panalo kay Doncha Thathi ng Thailand sa pagbubukas ng boxing competition sa Asian Games kahapon.

Mahusay na sinandalan ng SEA Games champion ang galing sa counter-punching sa kabuuan ng tatlong rounds tungo sa 29-28, 29-28, 30-27 panalo sa bantamweight division.

“Hindi niya binitiwan ang pressure kaya convincing ang panalo,” wika ni men’s coach Nolito ‘Boy’ Velasco.

Ang panalo ay nagtulak kay Fernandez sa round-of-16 kalaban sinuman kina Puran Raj ng Nepal at Yahya Sharahili ng Saudi Arabia.

Tinalo ni Suarez si Elnur Abdurimov ng Uzbekistan via split decision, 2-1 sa men’s lightweight 60kgs. Itinala ni Suarez ang 29-28, 29-28, 28-29 iskor para umentra na rin sa last 16.

Si London Olympian Mark Anthony Barriga ay lalaban ngayon kontra kay Hussin Al-Marin ng Syria sa light flyweight habang haharapin ni Ian Clark Bautista si Maher Mohammad Shamon ng Jordan.

Sasagupa naman si lightweight Dennis Galvan kay Battarsukh Chinzorig ng Kazakhstan gayundin si middleweight Wilfredo Lopez kontra kay Azizbek Achilov ng Turkmenistan.

Sa Sabado pa mapapalaban ang mga female boxers na sina world champion Josie Gabuco at Nesthy Petecio. (BRM)

ASIAN GAMES

AZIZBEK ACHILOV

BATTARSUKH CHINZORIG

CHARLY SUAREZ

DENNIS GALVAN

DONCHA THATHI

ELNUR ABDURIMOV

HUSSIN AL-MARIN

IAN CLARK BAUTISTA

JOSIE GABUCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with