^

PM Sports

Premyo ng NU Pep Squad napunta sa kawang-gawa

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bahay ang ambag ng National University Pep Squad sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda matapos ang matagumpay na pagdepensa ng titulo sa UAAP Cheerdance Competition noong Linggo.

Ibinigay ng mga kasapi ng koponan sa pangu-nguna ni coach Ghicka Bernabe, team captain Precious Lorraine Chaves at star flyer Claire Cristobal ang tseke na nagkakahalaga ng P200,000.00 bilang kanilang ambag para makapagpatayo ng isang bahay.

Ginawa ito sa thanksgiving party kahapon sa NU Gym na kung saan ipi-nalabas uli ng Pep Squad ang kanilang winning performance sa harap ng mga mag-aaral at school officials.

Ang SM Foundation ang nangangasiwa sa pagpapatayo at pamimigay ng bahay sa mga nabiktima ng Yolanda noong nakaraang taon.

Naging dalawa ang bahay na galing sa koponan dahil tinapatan ng team sponsor na si Mariano Gaw Jr. ang perang inilabas ng kanyang mga alaga.

Nagwagi ang NU sa ikalawang sunod na taon upang maging ikatlong koponan pa lamang  na nakagawa nito.

Ang mga nakauna sa back-to-back ay ang UP at UST na  magkasalo sa unang puwesto sa paramihan ng titulo sa tig-walo.

Halagang P340,000.00 ang napanalunan ng koponan at dito nagmula ang kanilang donasyon.

“Nararapat lamang na ibahagi rin namin ang aming napanalunan sa mga nangangailangan dahil sa sobrang blessings na nakuha namin,” pahayag ni Bernabe.

Sa ngayon ay pahinga ang koponan dahil exam week pero babalik din agad sa pagsasanay  lalo pa’t may balak silang sumali sa international cheerdance competition.

Pagtutuunan ng Pep Squad ay ang 3-peat na sa tingin nila ay makakaya sa tulong ng NU community.

BERNABE

CHEERDANCE COMPETITION

CLAIRE CRISTOBAL

GHICKA BERNABE

MARIANO GAW JR.

NATIONAL UNIVERSITY PEP SQUAD

PEP SQUAD

PRECIOUS LORRAINE CHAVES

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with