Bagong signature shoes ni LeBron inilunsad
BEAVERTON -- Inilunsad ni Cleveland Cavaliers star LeBron James ang kanyang pinakabagong signature shoes na LeBron 12 sa harap ng piling 75 journalists mula sa 12 bansa sa Nike World Headquarters.
Inilarawan ni Nike brand president Trevor Edwards ang nasabing sapatos ni James na pinakamaganda kung extreme precision at explosive performance ang pag-uusapan.
Si James ay sinamahan sa stage nina Edwards at Kristen Ledlow ng NBA TV at ipinaliwanag ang features ng revolutionary shoes na may limang independent zoom air bags sa isang hexagonal design sa suwelas na sinasabing “articulation of the forefoot.”
Sinabi ni Taryn Hensley, ang Nike director of cushion innovation, inabot ng tatlo hanggang apat na taon ang pagbuo ng sapatos kung saan nagsagawa ang Nike Sport Research Lab (NSRL) ng ilang tests para malaman ang kilos ng mga atleta sa kanilang playing conditions para makagawa ng isang disenyo na may stability at durability.
Ang LeBron 12 ay ginawa sa lab kung saan ang scientific data at analysis ang sumagot sa hinahanap na next-generation cushioning, support at flexibility.
Masaya ang 29-anyos na si James na nasa kondisyon at handa nang ipagpatuloy ang kanyang playing career sa Cavs matapos ang apat na taon sa Miami Heat.
“I can’t wait to go back to downtown Cleveland where I belong,” sabi ni James sinimulan ang kanyang NBA career sa Cavs bago lumipat sa Heat matapos ang pitong seasons. “It’s been four years since I got back home. I’m looking forward to playing in an unbelievable atmosphere.”x
- Latest