Pang-31 na sa world ranking UMangat ang pinas
MANILA, Philippines - Umangat ang Philippines sa ika-31 puwesto sa FIBA World Ranking matapos ang pang-21 na pagtatapos sa nakaraang 2014 FIBA World Championship sa Spain.
Sa Asian region, ang Philippines na dating regional king pin mula 50s hanggang kaagahan ng 70s, ay nakalampas sa Lebanon sa fifth place sa likod ng China, Iran, Korea at Jordan.
Ang United States, Spain, Argentina at Lithuania ay nanatili sa one-two-three-four position ayon sa pagkakasunod habang ang France ay umangat sa fifth mula sa eighth matapos ang third-place finish sa Spain.
Nanatili nama ang Russia sa sixth place kasunod ang Serbia, runner-up sa Team USA sa 2014 World Cup.
Ang Turkey, Brazil at Greece na madaling nakapasok sa knockout round sa nakaraang world meet ang kumumpleto ng Magic 10.
Bumaba ang China sa 14th sa world ranking at nanganganib ang kanilang pangunguna sa Asian region sa Iran na No. 17 sa world ranking matapos ang 20th finish sa World Cup.
Nilampasan naman ng Korea ang Jordan sa No. 3 sa Asian ranking.
Pinuri naman ng mga basketball leaders ang pagsulong ng Pinas sa world ranking.
“It’s exciting time for Philippine basketball. From 34th to 31st is a big jump. Let’s aim for the Top 20 then Top 10,” sabi ni PBA board chairman Patrick Gregorio. “The surge in world ranking means we can also expect a surge in the popularity of basketball in our country and of course our PBA league. It’s a great way to start the 40th season of the PBA. Rest assured, we will continue to support our Gilas Pilipinas.”
Ang mga bansang malaki ang iniangat matapos ang World Cup ay ang Senegal (30th mula sa 41), Dominican Republic (20th mula sa 26th), Mexico (19th mula sa 24th), Ukraine (40th mula sa 45th) at Egypt (41st mula sa 46th).
Ang mga bansang ma-laki naman ang ibinaba ay ang Italy (15th sa 36th), Japan (11th sa 46th), Nigeria (20th sa 26th), Greece (5th sa No. 10) at Lebanon (39 sa No. 34).
Patuloy sa pag-angat ang Philippines sapul nang hawakan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas mula sa Basketball Association of the Philippines (BAP).
- Latest