FIBA World Cup Bronze sa France
MADRID – Buma-ngon ang France sa final quarter upang igupo ang Lithuania, 95-93 tungo sa pagkopo ng bronze medal sa Basketball World Cup nitong Sabado.
Lumamang ang Lithua-nia ng hanggang 7-points papasok sa fourth period at umiskor si Jonas Valanciunas ng limang puntos upang ilagay ang Lithua-nia sa unahan, 80-77 patungo sa huling minuto ng labanan.
Ngunit dalawang beses nag-drive si Boris Diaw upang umiskor ng lay-ups para tuluyang lumayo ang France at ‘di na lumingon pa.
Ang huling minuto ay palitan na lamang ng free-throws ngunit mas naging asintado ang mga shooters ng France.
Ang final 16-seconds ay kinakitaan ng 11 fouls at 22 free-throw attempts sa pagpipilit ng Lithua-nia na pigilan ang oras at marekober ang posesyon habang pinipigilan naman ng France na makatira ang Lithuania sa three-point area.
Pinangunahan ni Nicolas Batum ang France sa kanyang game-high na 27-points at si Diaw ay may walo sa kanyang 15-points sa fourth quarter para pag-initin ang kanilang pagbangon.
Pinangunahan naman ni Valanciunas ang Lithuania sa kanyang 25-points bukod pa sa kanyang 9-rebounds.
Nakatakdang maglaban nitong Linggo ang USA at Serbia para sa titulo.
- Latest