^

PM Sports

Pinoy paddlers nakatuon na sa 2015 Singapore SEA Games

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapos magpasiklab sa Poland, tinitingnan na ngayon ng mga Pinoy paddlers ng Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) ang Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Singapore.

“We have to prepare double time for the SEA Games,” sabi ni Medic Manalo, tumulong sa paghahatid sa 27 Pinoy paddlers sa tagumpay sa nakaraang ICF World Dragon Boat Championships sa Poland.

Lumahok ang mga Pinoy sa 12 ng 36 events at nag-uwi ng limang golds, tatlong silver at tatlong bronze medals para makuha ang respeto ng mga katunggali.

Panauhin sila sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa Shakey’s Malate, kasama si Hermy Macaranas, ang tanging lahok ng bansa sa canoe-kayak events sa nalalapit na Incheon Asian Games.

Sa Poland, ang koponang kino-coach din ni Len Escollante ay nanguna sa junior men’s 500-meter 10-seater, senior men’s 200m 20-seater, junior men’s 200m 10-seater, seniors mixed 200m 10-seater, at senior men’s 200m 10 -seater.

Ayon sa isa pang coach na si Duchess Co, hindi na sinipot ng koponan ang finals ng mixed 2,000m 20-seater dahil pagod na sila bunga ng masamang panahon na sobrang lamig.

“It was already getting too cold. And burned out na din. Sometimes, they raced successive races in one day,” sabi ni Co sa lingguhang forum na hatid ng Shakey’s, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Walang dragon boat events sa Incheon Asiad na gaganapin sa Sept. 19 hanggang Oct. 4.

“Our target now is the next SEA Games. The strong teams like Indonesia and Myanmar are there. Of course, we will target the gold. It will be tough but we will try to win all the events there,” dagdag ni Co.

Ayon kay Manalo, bagama’t maliliit ang mga Pinoy, pumukaw sila ng pansin sa Poland at sa katuna-yan ay may mga bansang nag-imbita sa kanila.

“They want us to teach them the technique that we use,” sabi ni Manalo na nagpasalamat kay PCKF president Jonne Go sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na sumali sa Poland.

Ang Philippines ang tanging Asian country na kasali sa torneo na pinangunahan ng Russia, Hungary at Ukraine.

ANG PHILIPPINES

AYON

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIPS

DUCHESS CO

HERMY MACARANAS

INCHEON ASIAD

INCHEON ASIAN GAMES

INDONESIA AND MYANMAR

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with