Pinoy pugs wagi sa ‘Duel in Dubai’
MANILA, Philippines - Naging madugo at kapana-panabik ang “Duel in Dubai” card matapos manalo sina Filipino boxers Genesis Servania, Arthur Villanueva at Rey “Boom-Boom” Bautista.
Pinigil ni Servania si Mexican Jose “Matador” Cabrera sa ninth round para mapanatiling suot ang kanyang WBO Intercontinental super bantamweight crown.
Nagkabanggaan ang mga ulo nina Servania at Cabrera sa round 8 kung saan naputukan ang Mexican bukod pa sa one-point deduction.
Nirapido ni Servania si Cabrera sa round 9 at napilitan ang Mexican na sumuko.
Pinabagsak ni Villanueva si Nicaraguan Henry Maldonado sa second round patungo sa kanyang split decision win at kunin ang IBF International junior bantamweight title.
Nagkaroon ng putok si Maldonado sa kanyang kilay at ulo.
Umiskor si Bautista ng isang majority decision win kontra kay Mexican Jose Martinez.
- Latest