JRU pumuwesto sa 3rd
MANILA, Philippines - Kumuha ng lakas ang Jose Rizal U mula kay Michael Mabulac nang kanilang igupo ang Perpetual Help sa overtime, 80-76, para sumulong sa third place sa 90th NCAA basketball tournament na nagpatuloy sa The Arena sa San Juan City kahapon.
Pinangunahan ni Mabulac ang kanyang koponan sa naitalang 21 points kabilang ang krus-yal na three-point play sa overtime na nagbigay sa Bombers ng pangunguna at hindi na lumingon pa para sa kanilang ikasiyam na panalo kontra sa apat na talo sa lumapit sa mga nangungunang San Beda (10-2) at Arellano U (9-3).
“We made clutch plays in the end, Michael (Ma-bulac) made some crucial shots,” sabi ni coach Vergel Meneses ng Jose Rizal na nakaulit ng panalo sa kalaban matapos ang 62-61 tagumpay sa first round.
Ang pagkatalo ay nag-laglag sa Perpetual Help mula sa pakikisalo sa No. 3 patungo sa pakikipagtabla sa fourth sa St. Benilde na may 8-5 karta.
Nasayang ang impresibong performance ni Earl Scottie Thompson na may 26 points kabilang ang 11 sunod sa OT para manati-ling palaban ang Perpetual bukod pa sa kanyang 13 rebounds at 5 assists.
Nauna rito, iginupo ng talsik na sa kontensiyong Mapua ang Lyceum, 76-65 sa pangunguna nina Carlos Isit at Leo Gabo na may tig-17 points habang sina Joseph Emmanuel Eriobu, Jr. at Exeqiel Biteng ay may 12 at 11 ayon sa pagkakasunod para sa ikatlong panalo ng Cardinals laban sa 10-talo. (AT)
MIT 76 – Isit 17, Gabo 17, Eriobu 12, Biteng 11, Cantos 8, Estrella 7, Saitanan 4.
LPU 65 – Mbida 13, Maco-nocido 12, Gabayni 9, Zamora 9, Soliman 8, Bulawan 6, Taladua 5, Malabanan 2, Lesmoras 1.
Quarterscores: 15-15, 29-29, 54-49, 76-65.
JOSE RIZAL 80 - Paniamogan 22, Mabulac 21, Ascuncion 16, Sanchez 7, Lasquety 4, Balagtas 4, Abdulwahab 3, Teo-doro 2, Grospe 1.
PERPETUAL 76 - Thompson 26, Baloria 21, Alano 15, Arboleda 7, Dagangon 7.
Quarterscores: 19-16; 39-34; 51-50; 63-63 (OT); 80-76.
- Latest