^

PM Sports

Mga 2YO kabayo magtatagisan sa Juvenile Fillies/Colt Stakes

Pang-masa

MANILA, Philippines - Masisilayan uli ang galing ng mga two-year old horses sa paglarga ng 2nd Leg Juvenile Fillies/Colt Stakes sa Setyembre 21 sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Sa 1,200-metro distansya gagawin ang tagisan at inaasa­hang mahigpitan pa rin ang magaganap na tagisan dahil paglalabanan ng mga sasali ang P600,000.00 unang gantimpala sa P1 milyon kabuuang premyo.

Hindi malayong ma­nguna sa  mga tatakbo ang Princess Ella na siyang nagdomina sa unang leg ng karerang handog ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ginawa ang tagisan sa 1,000-metro at nanaig ang Princess Ella na sinakyan ni John Alvin Guce sa hamon ng Hook Shot ni Jeff Zarate.

Ang winning time ng kabayo ay 59.2 segundo.

Tatanggapin ang nominasyon ng mga kalahok sa Setyembre 9 habang ang official declaration ay gagawin sa Setyembre 15 at ang bolahan ay sa Setyembre 19 mangyayari.

Ito ang huling pagkakataon na magkasamang tatakbo ang fillies at colts dahil magkahiwalay na paglalabanan ang dalawang kategorya sa third leg sa Oktubre.

Sa mas mahabang 1,400-metro rin gagawin ang 2-year old race para mas masukat ang mga magsisisali.

Apat na yugto ang karera para sa mga juvenile horse at ang mga mahuhusay ay tiyak na ipapasok sa Philracom Juvenile Championship na nakakalendaryo sa Dis­yembre 28 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang magkakampeon sa karerang ito ang siyang mapapaboran para sa 2015 Triple Crown na karera para sa mga three-year old horses.

Ang isa pang mala­king pakarera ng Philracom ay ang Chairman’s Cup na gagawin sa isang milyang distansya.

Sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite itatakbo ang karera sa Setyembre 21 at ang nominasyon ay itinakda sa Setyembre 16.

Ang final declaration ay sa Setyembre 22 at ang bolahan ay sa Setyembre 26. (AT)

vuukle comment

CAVITE

COLT STAKES

HOOK SHOT

JEFF ZARATE

JOHN ALVIN GUCE

LEG JUVENILE FILLIES

PRINCESS ELLA

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with