3 Heat players nagoyo ng isang scammer
MIAMI -- Isang lalaki na nakakulong dahil sa isang real estate fraud conviction ang sinampahan ng multi-million-dollar investment scam ng tatlong Miami Heat players at ang mismong koponan.
Sinasabing kinuhanan ng pera ni Haider Zafar sina players Mike Miller, James Jones at Rashard Lewis noong 2013 sa pangakong ilalaan ang kanilang mga pera sa mga business opportunities.
Ngunit sinabi ng prosecutors na itinago ni Zafar ang pera at ginamit ito para bumili ng $1 million, three-season Heat ticket package.
Sina Miller, Jones at Lewis ay nagbigay kay Zafar ng pinagsamang $7.5 milyon.
Nahaharap si Zafar sa limang wire fraud charges na may kaakibat na maximum 20-year prison sentences.
Si Zafar ay sangkot din sa isang $10 million land-buying swindle.
- Latest