^

PM Sports

Tamaraws sumuwag ng playoff sa Final Four

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inupuan ng FEU Ta­maraws ang playoff spot sa 77th UAAP men’s bas­ketball Final Four sa pa­mamagitan ng 75-69 panalo laban sa UP Maroons kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagpakawala ng isang three-pointer at dalawang free throws si Alejandrino Iñigo sa huling dalawang minuto ng labanan para pa­siglahin ang 7-0 run pa­tungo sa pagsuwag ng Tamaraws sa kanilang ika-siyam na panalo sa 11 laro.

“Thank God at puma­sok ang mga tira ni Archie,” agad na naibulalas ni FEU assistant coach Eric Gonzales na siyang dumiskarte dahil ang head coach na si Nash Racela ay na­sa Spain kasama ang Gilas Pilipinas na kuma­kampanya sa 2014 FIBA World Cup.

Sina Mike Tolomia, Mark Belo at import Anthony Har­grove ang na­nguna sa FEU sa 19, 14 at 11 puntos.

Tila nasa UP ang mo­mentum papasok sa hu­ling dalawang minuto ng bakbakan nang maipasok ni Diego Dario ang tres para sa 69-68 abante.

Kumapit naman ang Ate­neo Blue Eagles sa ika­lawang puwesto sa  69-58 panalo sa UST Tigers sa ikalawang laro.

May 23 puntos sa 10-of-22 shooting si Kiefer Ra­vena.

FEU 75 – Tolomia 19, Belo 14, Hargrove 11, Iñigo 8, Pogoy 7, Cruz 7, Lee Yu 5, Jose 4, Tamsi 0, Ugsang 0, Denila 0.

UP 69 – Gallarza 18, Re­yes 14, Dario 10, Moralde 9, Juruena 8, Lao 4, Gingerich 3, Vito 3, Harris 0.

Quarterscores: 19-18; 35-35; 53-52; 75-69.

 

vuukle comment

ALEJANDRINO I

ANTHONY HAR

BLUE EAGLES

DIEGO DARIO

ERIC GONZALES

FINAL FOUR

GILAS PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with