^

PM Sports

May misyon ang Batang Gilas

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tangka ng Batang Gilas na muling makabalik sa world stage sa pakikipagharap sa Chinese Taipei sa quarterfinals ng 23rd FIBA-Asia Under-18 Championship sa Al-Gharafa Gym sa Doha, Qatar.

Naungusan ng mga Pinoy na sinuportahan ng MVP Sports Foundation at Smart, ang Malaysians, 72-69, noong Lunes upang ipuwersa ang kapana-panabik na pakikipagharap sa mga Taiwanese na nilalaro habang sinusulat ang balitang ito kahapon.

Ang panalo ng Nationals na nagtagumpay ng tatlong beses sa limang laro sa group stages, ang magtutulak sa kanila sa semis kung saan muli silang haharap sa isang knockout game sa mananalo sa China-Kazakhstan showdown.

Magbibigay din ito sa Batang Gilas ng dalawang pagkakataon para makakuha ng isa sa nakatayang tatlong slots sa 2015 FIBA U-18 World Championship na gagawin sa Greece na ngayon pa lamang mangyayari kung sakali.

Ang tatlong iba pang quarters pairing ay South Korea laban sa Japan at Iran versus Malaysia na ngayon pa lamang nakapasok sa quarters sa kasaysayan ng torneo.

Sa ilalim ni coach Jamike Jarin, nagawang lampa-san ng Batang Gilas ang mabigat na hamon para makopo ang  silver medal sa FIBA-Asia U-16 Championship sa Iran noong nakaraang taon para makapasok sa FIBA U-17 World sa Dubai para magtapos bilang 15th placer sa 16 na naglaban.

Nakapagpahinga ng isang araw ang mga partisipante dahil sa rest day ngunit ginamit ito ng Batang Gilas para makabuo ng strategy laban sa Chinese Taipei.

AL-GHARAFA GYM

ASIA U

ASIA UNDER

BATANG GILAS

CHINA-KAZAKHSTAN

CHINESE TAIPEI

JAMIKE JARIN

SOUTH KOREA

SPORTS FOUNDATION

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with