^

PM Sports

Bulldogs inangkin ang outright Finals seat matapos ang 7-game sweep sa badminton

Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinalo ng National Uni­­versity ang defen­ding men’s champion na Ate­neo De Manila University, 3-2, para makamit ang outright Finals berth sa UAAP Season 77 badminton tournament sa Ri­zal Memorial Badminton Hall noong Linggo.

Winalis ng Bulldogs, nagkampeon sa Season 75 sa likod ni MVP Joper Escueta, ang lahat ng ka­nilang pitong elimination round matches.

Magkakaroon sila ng ‘thrice-to-beat’ incentive la­ban sa No. 2 team sa championship round.

Sa pangunguna naman ni da­ting Rookie of the Year win­ner Gerald Si­bayan, bu­mangon ang De La Salle University mula sa naunang kabiguan sa NU para kunin ang 5-0 ta­gumpay kontra sa Far Eas­tern University.

Sumegunda ang Green Archers mula sa kanilang 6-1 kar­tada.

Hahawakan ng La Salle ang ‘twice-to-beat’ bo­nus sa stepladder semifinals na nakatakda sa su­su­nod na linggo.

Samantala, giniba naman ng University of the Philippines ang University of Santo Tomas, 4-1, sa ka­nilang do-or-die match.

Dahil sa panalo ay na­kamit ng Fighting Maroons ang huling semis berth.

Tinapos ang single-round eliminations bitbit ang 5-2 record, mauupo ang Blue Eagles bilang No. 3 seed.

Makakatapat nila ang Fighting Maroons pa­ra sa unang stepladder match.

Ang mananalo sa Ate­neo-UP duel ang sasagupa sa La Salle sa isa pang step­ladder duel.

Tuluyan nang nasibak ang Growling Tigers sa kanilang pang-apat na kabiguan sa kabuuang pitong laro.

BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

DE MANILA UNIVERSITY

FAR EAS

FIGHTING MAROONS

GERALD SI

GREEN ARCHERS

LA SALLE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with