^

PM Sports

Red Lions, Chiefs patuloy ang ratsada

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umasa ang San Beda Red Lions at Arellano Chiefs sa husay ng mga guards na sina Baser Amer at Jiovani Jalalon pa­ra maitakas ang pa­na­lo sa magkahiwalay na laro sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Amer ay may 15 points at 10 assists at ku­ma­mada siya ng pitong krusyal na puntos para itu­lak ang four-time defending champion na Red Lions sa 86-79 panalo sa San Sebastian Stags.

May 18 puntos at 15 rebounds si Ola Adeogun, habang sina Arthur dela Cruz at Kyle Pascual ay naghatid ng 14 at 12 puntos para ibigay sa San Beda ang 9-2 karta.

Dumikit na sa  69-72, na­kawala si Amer tungo sa mahalagang triple para ilayo sa anim ang kopo­nan.

Nasayang naman ang 29 at 23 puntos nina Bradwyn Guinto at Jaymar Pe­rez para sa Stags.

Hindi nagpahuli si Ja­lalon nang makitaan ng ti­bay para ibigay sa Chiefs ang 82-79 panalo sa nais manggulat na Mapua Cardinals sa ikalawang laro.

May 18 puntos si Ja­lalon at walang ibang pi­nakamalaking buslo kundi ang apat na kinamada sa 15-footline sa huling 12.1 segundo para ibigay sa Arellano ang pinaka­ma­raming panalo sapul nang sumali sa liga.

Ang huling dalawang free throws ang nagsan­tabi sa 3-pointer ni Carlos Isit na nagdikit sa Cardinals sa 79-80.

Natapos ang laro nang sumablay ang tres ni He­sed Gabo para sa Mapua.

Nanguna para sa Arel­la­no si guard John Pinto sa kan­yang 25 puntos.

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

BASER AMER

BRADWYN GUINTO

CARLOS ISIT

JAYMAR PE

JIOVANI JALALON

JOHN PINTO

PARA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with