^

PM Sports

2014 Youth Olympic Games Fil-American gymnast nabigo sa medalya

Abac Cordero - Pang-masa

NANJING – Nabi­gong makakuha ng me­dalya si Filipina gymnast Ava Lorein Verdeflor sa all-around event ng wo­men’s gymnastics sa 2014 Youth Olympic Games.

Ngunit nakahanap ng dahilan ang 15-anyos na si Verdeflor, mula sa Plano, Texas, para ngumiti sa kabila ng kanyang 11th place finish.

Ang YOG ang pi­nakamalaking event na na­salihan ni Verdeflor, na­kakuwalipika matapos pumang-lima mula sa 22 lahok sa nakaraang Asian Championships sa Uzbe­kistan.

Tanging siyam na gym­nastics mula sa Asia ang nakarating dito.

“I’m very proud of how I did. I was able to make it here and compete for the Philippines,” sa­bi ni Verdeflor matapos ang all-around finals na na­­pagwagian ni Seda Tut­khalyan ng Russia.

“I was kind of disappointed because I could have done better,” ani Ver­deflor na may all-around score na 49.800.

Nag­tala si Verdeflor, ang mga magulang ay pa­rehong Filipino, ng 12.450 sa bars, 12.850 sa beam, 11.600 sa floor at 12.900 sa vault.

Sinabi ni Verdeflor na nakaapekto sa kanyang pag­lalaro ang sumasakit niyang binti.

“My first tumbling pass on the floor I touched my hands. On the landing my ankles of bothered me but I tried to finish the best I can,” wika niya.

Si Verdeflor ay kasama pa sa finals ng uneven bars.

Sasabak sa aksyon si­na Bianca Roxas-Chua Go­tuaco at Gabriel Luis Mo­reno sa men’s at wo­men’s recurve individual ranking.

ASIAN CHAMPIONSHIPS

AVA LOREIN VERDEFLOR

BIANCA ROXAS-CHUA GO

GABRIEL LUIS MO

SEDA TUT

SHY

SI VERDEFLOR

VERDEFLOR

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with