^

PM Sports

Huling tsansa nina Tores at Diaz

Pang-masa

MANILA, Philippines - Huling tsansa ngayon ang ibibigay kina long jumper Marestella Torres at weightflifter Hidilyn Diaz para masama sa pambansang delegasyon patungong Asian Games sa Incheon, Korea.

Sasailalim sa magkahiwalay na performance trials sina Torres at Diaz at kailangang maabot ang itinakdang qualifying jump at lift ng Asian Games Task Force upang mapayagang sumama sa Incheon Games.

“Kailangan nilang maabot ang qualifying standards para makasama sa delegasyon,” wika ni PSC chairman at Chief of Mission Ricardo Garcia.

Unang magtatangka si Torres na noong Enero ay ipinanganak ang kauna-unahang anak nila ni shotput athlete Eleazer Sunang.

Sa ganap na ika-9 ng umaga sa Ultra Oval gagawin ang trial ni Torres at dapat na maabot ang 6.37-metro para makakuha ng tiket sa Asiad.

Nakabalik na sa paglalaro si Torres at nanalo na siya ng ginto at pilak sa Hong Kong at Vietnam pero ang mga lundag ay mababa sa criteria sa naitalang 6.26m at 6.14m ayon sa pagkakasunod. Si Diaz na tulad ni Torres ay isang Olympian ay dapat na bumuhat ng kabuuang 225-kilogram para masama sa delegasyon.

Sa ganap na ika-2 ng  hapon sa Philippine Weightlifting Association gym gagawin ang test kay Diaz.

Mismong si Garcia kasama ang ibang Task Force members sa pangunguna ni POC chairman Tom Carrasco Jr., ang magmamasid sa ipakikita ng dalawang lady athletes. (AT)

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES TASK FORCE

CHIEF OF MISSION RICARDO GARCIA

DIAZ

ELEAZER SUNANG

HIDILYN DIAZ

HONG KONG

INCHEON GAMES

MARESTELLA TORRES

PHILIPPINE WEIGHTLIFTING ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with