Batang Gilas haharap sa Angola
DUBAI -- Sisimulan ng Team Philippines ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng pagharap sa Angola sa pagbubukas ng FIBA U17 World Cham-pionship ngayon sa Al Ahli Arena.
Nakatakda ang laro sa ganap na alas-3:45 ng hapon (alas-7:45 ng gabi sa Manila) at hangad ng Batang Gilas na kaagad idikta ang tempo ng laro kontra sa 11-time African champions.
Ibabandera ng Angola ang tatlong six-foot-nine players bukod pa sa ilang perimeter defenders.
Sinabi ni Batang Gilas coach Jamike Jarin na matapos nilang talunin ang malalaking Iran, India at Kazakhstan sa nakaraang FIBA Asia U16 Championship sa Tehran noong nakaraang taon ay hindi na sila takot sa mga kagaya ng Angola.
“The Angolans are big,” ani Jarin, gumiya sa Ateneo Blue Eaglets sa ilang korona sa University Athletic Association of the Philippines juniors division. “They are very tall and very long. But if you look at their age, half of them are a year or two younger than the prescribed age. I think that will be favorable for us because in a tournament like this, one or two years difference could be a big factor,” dagdag pa nito.
Matapos ang Angola, ang susunod na makakaharap ng Batang Gilas ay ang Greece bukas bago ang kanilang pahinga sa Linggo at ang pagsabak sa Uni-ted States sa Lunes.
Sina 6’8 rebounder Silvio Sousa ang babandera sa depensa katuwang sina wingmen Joao Jungo at Avelino Do para sa Angola, nakakuha ng tiket sa torneo matapos talunin ang Egypt sa FIBA Africa U16 Championship sa Madagascar noong nakaraang taon.
- Latest
















