^

PM Sports

Kinapos sa finals ng 2014 World Pool Team Championship: Team Phl yumukod sa China

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ininda ng Pilipinas ang masamang pani­mu­la na naging dahilan ng ka­nilang kabiguan sa China, 2-4 sa 2014 World Pool Team Championship na na­tapos kahapon sa Tongzhou, Luhe High School sa Beijing, China.

Pangalawang koponan ito ng host team na binuo nina Liu Haitao, Wang Can, Dang Jinhu at Fu Xiaofang at naipaghiganti rin nila ang 4-0 pagkatalo ng China 1 na  kinatawan ni­na Wu Jiaqing, Chu Bing Chia, Li He Wen at Han Yu sa Pilipinas sa se­mifinals.

Kinalos ang Japan, 4-2, sa semifinals, hindi bi­nigyan ng pagkakataon ng host ang bisitang kopo­nan nang kunin ang naunang tatlong laro.

Nangibabaw si Liu kay Orcollo, 6-4, sa 8-ball men’s singles bago nanaig sina Wang at Dang kina Biado at Corteza, 6-2, sa  8-ball doubles.

Umangat sa 3-0 ang Chi­na sa 8-5 panalo ni Dang kay Corteza para mangailangan na lamang ng isang panalo sa huling tatlong  laro.

Pero hindi agad na bumigay ang Pilipinas at si Amit ang nagsilbing mitsa sa pagbangon nang kunin ang 8-4 panalo kay Fu sa women’s 9-ball.

Pinawi ni Orcollo ang kabiguan sa 8-ball sa 7-5 panalo kay Wang sa 10-ball singles para maiwan kina Biado at Amit ang tsansang maitabla ang ta­gisan sa 10-ball mixed kon­tra kina Haitao at Liu Shasha.

Umangat ang host sa 6-3 kalamangan pero na­ku­ha nina Biado at Amit ang sumunod na dalawang racks para lagyan ng pressure ang dalawang Liu.

Ngunit humugot ng ins­pirasyon ang mga Chinese cue artists sa mga ma­nonood para maipana­lo ang 12th rack at angkinin ang titulo at $80,000.00 gantimpala.

Premyong $40,000.00 ang paghahatian ng koponan na nabigong  higitan ang pangalawang pu­­westong pagtatapos no­ong 2010.

Ang Chinese-Taipei ang naghari noong 2012 pero hindi nila nagawang idepensa ang titulo nang pa­talsikin ng Pilipinas sa ta­ong ito.

ANG CHINESE-TAIPEI

BIADO

CHU BING CHIA

CORTEZA

DANG JINHU

FU XIAOFANG

HAN YU

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with