Gusto pang umangat ng Lyceum Pirates
MANILA, Philippines - Palalawigin pa ng Lyceum Pirates sa tatlo ang kanilang pagpapanalo habang ikalawang tagumpay ang hanap ng St. Benilde sa pagpapatuloy ng 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Kakapit pa ang Pirates sa ikaapat na puwesto na pinagsasaluhan nila ng San Sebastian Stags kung mananalo sa Emilio Agui-naldo College Generals na magsisimula matapos ang unang laro sa hanay ng Blazers at Mapua Cardinals sa ganap na ika-2 ng hapon.
Sariwa ang Blazers sa paglilista ng unang panalo matapos ang tatlong sunod na kabiguan sa Letran Knights, 85-71 sa kanilang huling asignatura.
Ang Knights ang pumangalawa sa liga sa huling dalawang edis-yon at ang panalong ito ay tiyak na nagpataas sa kumpiyansa ng Blazers sa pagharap sa Cardinals na hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang limang laban.
Sina Paolo Taha, Mark Romero, Jonathan Grey at Pons Saavedra ang mga magtutulong uli para magpatuloy ang pagbangon ng Blazers para mapanatili ang Cardinals sa huling puwesto.
Galing sa dalawang dikitang panalo ang Pirates at tiyak na ang bagay na ito ay nagpatatag pa sa bawat manlalaro ng koponan.
Matapos malusutan ang hamon ng Cardinals, 80-78 ay dumaan ang Pirates sa overtime bago naigupo ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 84-80.
Sa kabilang banda, nais ng Generals na tapusin na ang tatlong sunod na pagkatalo matapos buksan ang kampanya sa panalo laban sa Blazers.
Ang mga baguhang sina Guy Mbida at Joseph Gabayni na nagpasikat sa huling mga panalo ng Lyceum, ay aasahan na magbibigay pa rin ng intensidad habang si Noube Happi ay kailangang kuminang para makatikim uli ng panalo ang tropa ni coach Gerry Esplana.
- Latest