^

PM Sports

Romeo, Guevarra, Ramos, Canaleta pasok sa FIBA 3x3 World Tour

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nakontento sina Terrence Romeo, Rey Guevarra, Aldrech Ramos at KG Canaleta ng Manila West na makatungtong lamang sa championship sa 2014 FIBA 3x3 World Tour Manila Masters nang talunin ang Qatar, 21-17, sa final match kagabi sa Mega Fashion Hall sa SM Megamall.

Napuno ang mall ng mga mahihilig sa basketball para suportahan ang nasabing koponan na nakitaan ng tibay ng dibdib nang hindi natakot sa malalaking manlalaro ng Qatar para maibulsa din ang $10,000.00 unang gantimpala.

May pakonswelong $5,000.00 premyo ang Qatar na pinamunuan nina Yaseen Ismail Musa at Mohammad Sellem Abdullo.

Nakita ang determinasyon ng Manila West nang kanilang maigupo ang hamon ng dalawang dayuhang koponan para makarating sa final round ng kompetisyong sinalihan ng 12 koponan, kabilang ang walong banyaga.

Unang kinalos  ng koponan ang Auckland, 14-9, sa quarterfinals bago isinunod ang Jakarta, 18-14.

“I was really expecting two teams. Pero napilayan si Ian, sayang,” wika ni SBP president Manny V. Pangilinan na sinaksihan ang huling araw sa dala-wang araw na kompetisyon.

Hindi rin niya naitago ang kagalakan dahil ang Manila West ang ikatlong koponan na maglalaro sa World championship.

Naunang naglaro ang 3-on-3 team na pinamunuan ni Kobe Paras sa FIBA 3x3 Under 18 habang ang Gilas Pilipinas at Batang Gilas ay sasabak sa FIBA World Cup at FIBA World U17 Championship.

“It proved that we are good in any form of basketball,” pahayag pa ni MVP.

Si Sangalang ay kasapi ng Manila North pero nagkaroon ng sprained left ankle noong Sabado para maiwan sina Calvin Abueva, Vic Manuel at Jake Pascual na sinikap pero hindi kinaya ang lakas ng Qatar tungo sa 8-21 pagkatalo.

Ang Manila South na kinatawan ng National U18 champion na sina Joshua Ayo, Raphael Jude De Vera, Karl Kenneth Estrada at Adonis Nismal ay sinamang-palad na nalusutan ng Surabaya, 20-21.

 

ADONIS NISMAL

ALDRECH RAMOS

ANG MANILA SOUTH

BATANG GILAS

CALVIN ABUEVA

GILAS PILIPINAS

JAKE PASCUAL

JOSHUA AYO

KARL KENNETH ESTRADA

MANILA WEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with