Mga 3YO na kabayo magpapasikat sa 2-araw na karera sa San Lazaro
MANILA, Philippines - Mga bagong kabayo na edad tatlong taong gulang ang magpapasikat sa dalawang araw ng pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nasa 10 kabayo pero walo ang opisyal na bilang ang mga maglalaban-laban sa 3YO and Above Maiden Division race ngayong gabi.
Ang mga maglalaban-laban sa distansyang 1,400-metro ay ang Aspire Magic (GM Mejico), Happy Gee (JL Lazaro), Chikks To Chikks (CS Penolio), Papa Loves Mambo (RO Niu Jr.), Rush Hour (JL Paano), Heat (V Dilema) at coupled entry I’m Your Lady (JB Hernandez), Good Copy (AB Alcasid Jr.) at coupled entry Confidant (LC Lunar) at Match Point (CV Garganta).
Bukas ng gabi ay matutunghayan ang sukatan ng pitong kabayo pero anim ang kabuuang bilang sa 3YO Maiden Division C sa 1,300-metro distansya.
Ang mga tatakbo ay ang Juliana’s Pet (AB Serios), Quick Hunter (JB Hernandez), Isangkahigsangtuka (JD Juco), Good News (SD Carmona), Pintados (CB Tamano) at stablemate Binirayan (FM Raquel Jr.) at Battle Creek (AI Reyes).
Suportado ang dalawang karerang ito ng Philippine Racing Commission (Philracom) at ang mananalo ay tatanggap ng P10,000.00 dagdag premyo.
Walong karera ang nakaprograma sa gabing ito at kasama sa sisipatin ang galing ay ang kabayong Biseng Bise na lalaban sa race seven na isang class division 5 race sa 1,300-metro.
Si Mark Alvarez ang hinete pa rin ng kabayo na pumangalawa sa 2nd leg ng Hopeful Stakes race noong nakaraang buwan.
Mapapalaban ang tambalan dahil kasali rin ang Kanlaon ni Val Dilema at beterano ito ng second leg ng Triple Crown championship.
Ang mga kabayo na maaaring paboran ngayon ay ang Majestic Queen, Sweet Julliane, Matapat at Conqueror sa race one, ang Charismatic, Royal Jewels, Power Factor at Steel Creation sa race two, Diamond’s Gold, Alimentador, Asikaso at Dream Of All sa race three, Happy Gee, Good Copy/Confidant, Papa Loves Mambo at Rush Hour sa race four, Red Cloud, Silver Champ, Nurture Nature at Mistah sa race five, Insider/Louie Alexa, Conqueror’s Magic, Yankee Doodle at Night Boss sa race six, Kanlaon, Biseng Bise, Angel Of Mercy, Maximum Velocity sa race seven at Seeing Lohrke, Shimmering Pebbles, Heart Smart at Quaker’s Hill sa race eight. (AT)
- Latest