^

PM Sports

May asim pa si Torres

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Taglay pa ni Marestella Torres ang pormang naghatid ng maraming karangalan sa Pilipinas sa larangan ng long jump.

Ito ang ipinakita ng 33-anyos na SEA Games record holder sa lundag na 6.71 metro noong 2011, nang dominahin ang paboritong event sa 2014 Hong Kong Inter-City Athletic Championships sa Tseung Kwan O Sports Ground noong Sabado.

Sa ikalimang lundag naitala ni Torres ang pinakamalayong talon sa hanay ng 10 naglaban sa 6.26-metro para manalo ng ginto sa unang kompetisyon matapos ang dalawang taong pamamahinga.

Ang pilak at bronze medal ay naiuwi nina Wang Wu Pin at Chu Chia Ling ng Chinese Taipei sa 6.19-m at 5.91-m marka.

Nagawa ito ni Torres kahit apat na buwan lamang ang kanyang naging preparas-yon dahil noong Enero ay isinilang niya ang kanilang unang anak ni national shot put athlete Eleazer Sunang.

Si James Lafferty ang siyang humawak sa pagsasanay at nagbigay ng lahat ng pangangailangan ni Torres dahil naniniwala siya na kaya nitong manalo ng medalya sa Olympics.

Ang marka  ni Torres ay kapos sa tinangka na 6.40-metro para makasama siya sa pambansang dele-gasyon na maglalaro sa Asian Games sa Incheon, Korea sa Setyembre.

Tiwala naman ang beterana ng Beijing at London Olympics na maaabot niya ang qualifying mark para sa Asiad sa susunod niyang kompetis-yon sa Vietnam Open sa susunod na buwan.

Isinali rin sa kompetisyon ang national pool member na si Julian Reem Fuentes at pinalad siya na manalo ng bronze medal sa 7.25-metrong lundag.

 

ASIAN GAMES

CHINESE TAIPEI

CHU CHIA LING

ELEAZER SUNANG

HONG KONG INTER-CITY ATHLETIC CHAMPIONSHIPS

JULIAN REEM FUENTES

LONDON OLYMPICS

MARESTELLA TORRES

SI JAMES LAFFERTY

TSEUNG KWAN O SPORTS GROUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with