^

PM Sports

Haya dinapuan ng kamalasan sa semifinals ng World 9-Ball

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mga krusyal na errors ang dumiskaril sa hanga­rin  ni Elmer Haya na pu­masok sa finals nang la­sapin ang 7-11 pagka­talo kay Niels Feijen ng Ne­therlands sa semifinals ng World 9-ball Cham­pionship noong Biyernes sa Al Saad Sports Club sa Do­ha,Qatar.

Nagsimulang duma­po ang kamalasan sa 37-anyos na pool player na nagtatrabaho sa Abu Dha­bi sa ninth rack nang ku­manto ang tangkang pag­huhulog sa bola sa 4-ball para kunin na ni Fei­jen ang kalamangan sa laro, 5-4.

Na-scratch pa ang cue-ball sa 10th rack para gawing 4-6 ang iskor at ka­hit nakapanakot pa si Ha­ya na itatabla ang laro sa 14th rack ay kumapit pa rin ang malas sa kanya nang ma-scratch ang cue-ball matapos pumasok ang 8-ball.

Pakonsuwelo na lamang  ni Haya ay ang ka­to­tohanang ito ang unang pag­kakataon na nakaa­ban­te siya sa knockout round at nakahagip siya ng $7,500.00 upang maitala ang pinakamalaking ki­nita sapul nang magbil­yar noong 2004.

Nakumpleto ni Feijen ang magandang ipinakita sa kompetisyong sinalihan ng 128-manlalaro dahil siya rin ang kinilalang kampeon matapos talunin si Albin Ouschan ng Austria, 13-10.

Ito ang unang titu­lo sa kompetisyon ni Fei­jen para masungkit ang $30,000.00 unang gan­­­timpala mula sa kabu­uang $200,000.00 na pi­nagla­ba­nan.

 

ABU DHA

AL SAAD SPORTS CLUB

ALBIN OUSCHAN

BIYERNES

ELMER HAYA

FEIJEN

NIELS FEIJEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with