PLDT Home Telpad paborito sa Shakey’s V-League Open Conference
MANILA, Philippines - Sa pagbabandera kay Dindin Santiago bukod pa sa mga ace power-hitters at veteran setters, hangad ng PLDT Home Telpad ang korona sa paghataw ng Shakey’s V-League Season 11 Open Confe-rence sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.
Nahiwalay si Dindin sa kanyang nakakabatang kapatid na si Jaja Santiago ng National University para pangunahan ang kampanya ng PLDT Home Telpad squad sa premier women’s volley league.
At may tulong na makukuha ang talentadong spiker mula kina dating league MVP Suzanne Roces, dating Ateneo standout na si Charo Soriano, San Sebastian’s star Gretchel Soltones, Laurence Ann Latigay at Angela Benting.
Sa paghugot ni coach Roger Gorayeb kina best playmakers Rubie de Leon at Jem Ferrer at pagkuha kina Ryzabelle Devanadera, Carmina Aganon, Lizlee Pantone, Royce Estampa at Alyssa Eroa, walang dudang tatayong paborito ang PLDT Home Telpad sa mid-season conference ng liga.
Unang sasalang ang PLDT Home Telpad squad sa Hulyo 6 laban sa Air Force, binubuo nina da-ting league MVP Sandra delos Santos, Rhea Dima-culangan, Jill Gustilo, Iari Yongco, Wendy Semana, Maika Ortiz, Judy Ann Caballejo at Joy Cases.
Dapat ding tutukan ang Cagayan Valley, nagtala ng league record 16-game sweep para sa korona noong nakaraang season, kasama dito ang 3-2 paggupo sa Smart Maynilad sa finals.
Ngunit dahil sa pagpapalakas ng pito pang koponan ay inaaasahang mahihirapan ang Rising Suns na maduplika ang kanilang ginawang sweep sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Mikasa at Accel.
Nagpalakas ang Caga-yan Valley sa pagkuha kina dating Adamson mainstay Faye Guevara at Gemelyn Seguirre mula naman sa Gonzaga National High sa Cagayan kasama sina Janine Marciano, mula sa Philippine National Police, at dating FEU stalwart Chie Saet at dating Adamson standout Pau Soriano.
Sisimulan ng National U at ng University of the Philippines ang kampan-ya sa torneo sa kanilang paghaharap sa alas-2 ng hapon kasunod ang laro ng Ateneo at PNP sa alas-4.
- Latest