^

PM Sports

Disenteng kampanya pakay ng mapua

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng disenteng kampan-ya ang hanap ng Mapua Cardinals sa gaganaping Season 90 ng NCAA men’s basketball.

Walang malaking target ang tropa ni coach Fortunato “Atoy” Co sa kanyang ikalawang taon bilang headcoach ng Cardinals matapos ang pagkawala ng ilang key players nito.

Natapos noong nakaraang taon ang playing years nina Kenneth Ighalo at Andretti Stevens habang sina Josan Nimes at Mark Brana ay hindi makakasama ng koponan dahil sa injury at academics.

“I was really excited for this year because Josan was supposed to play for us until something happened to him and will be sidelined again,” pahayag ni Co.

May MCL si Nimes para mabawasan ng scorer ang koponan sa taong ito.

Bunga nito, si Co ay sasandal kina Joseph Eriobu, Jessie Saitanan, Andrew Estrella, Jeson Cantos at Carlo Isit habang ang mga dating Red Robins na sina Justin Serrano at Ronnel Villaseñor ang magdadala sa hanay ng anim na rookies sa koponan.

May dalawang panalo sa 18 laro lang ang naitala ng Cardinals sa Season 89 kaya’t ang higitan ang markang ito ang pagsisikapang burahin ng koponan sa taong ito.

“We will try to win more games, that’s all I can promise,” pahayag pa ni Co.

Bukas na magsisimula ang NCAA sa Mall of Asia Arena sa Pasay City pero ang Cardinals ay sasalang sa laro sa Lunes kontra sa Perpetual Help Altas sa The Arena sa San Juan City.

 

ANDRETTI STEVENS

ANDREW ESTRELLA

CARLO ISIT

JESON CANTOS

JESSIE SAITANAN

JOSAN NIMES

JOSEPH ERIOBU

JUSTIN SERRANO

KENNETH IGHALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with