River Walk parade para sa selebrasyon ng Spurs
SAN ANTONIO -- Nagkakaisang sumigaw ang mga fans ng “Go Spurs Go!’’ sa bawat pagsilip nila sa player ng San Antonio Spurs o sa head coach nito habang dumadaan sa River Walk.
Narinig din ng Spurs ang mga naturang kataga matapos ang NBA Finals ngunit mas matamis lamang ito ngayon.
Ang victory parade ay para sa pang-limang NBA title ng Spurs.
“It is soaking in, but I’m still going to live it up for about the whole summer,’’ sabi ni NBA Finals MVP Kawhi Leonard. “(I haven’t slept) very much. I’ve been trying to live the moment. It’s been hard to sleep still. Thought I would get some sleep after we won the finals, but I’m still celebrating. ‘Go Spurs Go! San Antonio!’’’
Matapos kumulapso sa huling 25 segundo sa Game 7 laban sa Miami Heat noong nakaraang NBA Finals, muling nakapasok ang Spurs sa NBA Finals.
Ngunit ngayon ay tinalo nila ang Heat, 4-1, para sa unang korona ng San Antonio matapos noong 2007.
“I cried (last year). I think the rest of the city cried, too,’’ sabi ni Spurs fan Rosalinda Gonzalez. “How they lost, that was bad. It made this year’s victory even more sweet, sweet. (And) the way we did it. All the games that we won were by a billion points. It was awesome. Great comeback.’’
Nabigyan ng pagkakataon para magdiwang na hindi nila nagawa noong nakaraang taon, tiniis ng Spurs fans ang 90-degree heat para humanay sa River Walk at tumayo sa labas ng Alamodome ng halos limang oras bago magsimula ang kasiyahan.
Inestima ng San Antonio ang bilang ng mga fans sa 100,000 na du-malo sa River Walk parade at higit sa 60,000 sa Ala-modome.
At nagdiwang ang mga fans na tila ito ang unang NBA championship ng Spurs.
Habang hinihintay ng mga fans ang pagdating ng koponan sa Alamodome, ipinalabas ang replay ng Game 5.
- Latest