Valmonte at Aglipay sinuspinde ng Philracom dahil sa anomalya
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Philippine Racing Commission (Philracom) sina Santa Ana Park racing manager Dan Valmonte at handicapper Allan Aglipay nang nagpalusot ng mga kabayong hindi pa puwedeng itakbo sa mga karerang idinaos sa nasabing race track sa Naic, Cavite.
Dalawang buwan na suspendido si Valmonte habang apat na buwan naman ang kaparusahan ni Aglipay sa naging kaso.
Itinalaga pansamanÂtala sa puwesto ni Valmonte si Rommel Fernandez habang si Armand Gonzalez ang uupo bilang handicapper ng racing club na pag-aari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) habang sinisilbihan ang kaparusahan ni Aglipay.
Lumabas sa pagsisiyasat na may mga kabaÂyong nakalusot at nakatakbo sa mga pakaÂrera ng nasabing raÂcing club gayong ipinagbabawal pa ang mga ito na tumakbo.
Ang isang kabayo ay hindi puwedeng sumali sa isang karera kung ito ay sinuspindi, di pa kumpleto ang bakuna o hindi pa sumasailalim sa isang barrier race.
Ang mga kabayong nakalusot ay galing sa horse owner na si Rafael Larosa at siya ay pinatawan din ng anim na linggong suspension.
Ipinagpapasalamat lamang ng Philracom na walang nanalo sa mga illegal na kabayo na tumakbo dahil kung hindi ay tiyak na malaking kaguluhan ito.
Umaasa rin ang Philracom na ang ipinataw na suspensyon ay sapat na upang malinaw na maiparating ang kanilang mensahe na hindi nila palalampasin ang mga tiwaling gawain sa horse racing upang patuloy na bumalik ang pagtitiwala ng mga mananaya.
Unti-unti ng bumabangon ang industriya kung kita ang pag-uusapan dahil sa mga reporma na ginagawa ng KomisÂyon sa paÂngunguna nina chairman Angel Castano Jr. at ng mga board of commissioners sa panguÂnguna ni Jess Cantos na siya ring executive director.
Samantala, makakasama ang Philracom sa gaganaping Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair 2014 sa Events Center ng SM City Fairview.
Ang aktibidades ay magsisimula sa Lunes, Hunyo 16, at matatapos sa Biyernes at ang tema nito ay “Matuwid Na Daan, Susi sa Tagumpay at Kaunlaran.â€
Ito ang ikalawang sunod na taon na sasali ang Philracom sa Fair at gagamitin nila ito para maipakilala pa ang horse racing sa madla.
Bilang bahagi ng promotion, kasama sa booth ng Philracom ang mga hinete na naka-uniporme at sasagot sa mga posibleng katanungan hindi sa pagiging isang jockey.
Sina Castano kasama ang buong Board of Commissioners ay dadalo sa opening ceremony sa Lunes na kung saan si Pangulong Benigno Aquino III ang siyang inaasahan na magiging panauhing pandangal. (AT)
- Latest