Tututukan naman ng DLSU ang UAAP
MANILA, Philippines - Matapos pagharian ang Filoil Flying Premier Hanes Cup mula sa 71-66 panalo laban sa NCAA counterpart na San Beda, tututukan naman ngayon ng La Salle ang 77th UAAP basketball season na magsisimula sa Hul-yo 12 sa Smart-Araneta Coliseum kung saan nila hangad ang back-to-back title.
“This is part of the preparation for the UAAP and we still have a month to do so,†sabi ni La Salle coach Juno Sauler matapos igiya ang Green Archers sa league-best na ikatlong korona sa annual tournament na nagsisilbing warm up para sa UAAP season.
Bagama’t nanalo, sinabi ni Sauler na marami pa silang dapat pagandahin sa kanilang laro.
“We still have a lot of things to improve on,†wika ni Sauler, inihatid ang Taft-based dribblers sa ‘Grand Slam’ matapos magkampeon sa UAAP at PCCL noong nakaraang taon at ngayong torneo.
Sa darating na UAAP season ay muling ipaparada ng Green Archers ang line up nilang hindi nagalaw.
Ang mga ito ay sina Jeron Teng, Almond Vosotros, Jason Perkins, Arnold Van Opstal, Thomas Torres at Norbert Torres.
Magbabalik para sa La Salle si big man Yutien Andrada na hindi naka-laro noong nakaraang taon dahil sa ACL (anterior cruciate ligament) tear.
Ipaparada rin ng Green Archers ang mga rookie recruits na sina Fil-Ams Julius Sargent at Jahal Tratter at Terence Mustre.
- Latest