^

PM Sports

Malalim na PBA Annual Draft pool?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mukhang lalalim ang pagpipilian sa Annual Draft ng PBA sa inaasahang pagsali ng sinasabing mahusay na si Stanley Pringle ng Penn State para makasama sina collegiate stars Bobby Ray Parks, Garvo Lanete, Kevin Alas, Ronald Pascual, Jake Pascual, Rome de la Rosa, ang Semerad brothers at Fil-Am Chris Banchero.

Ang draft ay nakatakda sa Aug. 24 sa Robinsons Manila.  Nagkumpirma na ng pakikibahagi ang expansion teams na Kia Motors at Blackwater.  Ang ikatlong team na tinanggap ng PBA na N-Lex ay magdedesisyon bago ang June 7 deadline kung tutuloy sa pag-akyat sa PBA.

Ang N-Lex ay may championship tradition sa PBA D-League, matapos makopo ang anim sa pitong titulo sapul nang pumasok sa liga noong 2010-11. 

May usap-usapang tinitingnan ng N-Lex ang posibilidad na pumasok sa liga sa pamamagitan ng pagbili ng  isang existing franchise para kompetitibo agad ang team.

Sa ilalim ng PBA rules, kailangang maglaro ng isang Fil-foreigner ng dalawang PBA D-League conferences bago magkapag-apply sa draft maliban na lang kung ito ay 27-gulang o mahigit pa  at kung ito ay nakapaglaro sa Philippine men’s senior national team.  

Ang mga Pinoy players na magpapa-draft ay hindi kailangang dumaan sa PBA D-League ngunit kailangan ay 21-gulang na maliban na lamang kung nakatapos na ng  four years college course, maaari nang mag-apply kahit wala pang 21.

Ang deadline para sa mga Fil-foreigners para mag-apply sa PBA draft ay sa July 8 at para sa mga local players ay sa Aug. 13. 

Sinabi ni PBA commissioner Chito Salud na maglalabas ang liga ng listahan ng mga prospective Fil-foreign applicants sa mga PBA teams sa July 11 at ang contestability period ay sa July 14-Aug. 12.  Sa Aug. 18, ang mga aplikante ay dadaan sa biometrics at sa Aug. 20 ay ilalabas ang final list ng approved draft candidates.

Si Pringle, 27-gulang, ay hinog na para sa PBA.  Nagpadala ang Pensack Sports Management, naka-base sa California ng email sa PBA kamakalawa para ipaalam ang intensiyon ni Pringle na sumali sa draft.  Ngunit wala silang ibinigay na dokumento kaya hindi ito maikokonsiderang application. Ang mga Fil-foreigners ay kailangang magsumite ng Bureau of Immigration certification at Department of Justice confirmation ng kanilang Filipino citizenship.

ANG N-LEX

BOBBY RAY PARKS

BUREAU OF IMMIGRATION

CHITO SALUD

D-LEAGUE

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRAFT

FIL-AM CHRIS BANCHERO

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with