^

PM Sports

Tulungan sina Fajardo, Santos

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinakita ni 6-foot-10 June Mar Fajardo ang kanyang dominasyon sa boards, habang binanderahan naman ni 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ang pagbangon ng Beermen mula sa 17-point deficit sa second period.

Kumolekta si Fajar-do ng career-high na 27 rebounds maliban sa 26 points at 4 shotblocks at humugot si Santos ng 14 sa kanyang 18 points sa third quarter para sa 102-99 panalo ng San Miguel Beer sa Globalport sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Credit to coach Pido (Jarencio). They came out ready to play and we didn’t,” wika ni American active consultant Todd Purves. “Fortunately we came out ready to finish the game.”

Nagdagdag si import Reggie Williams ng 23 markers para sa Beermen, naiwasang malasap ang ikalawang sunod na pagkatalo matapos iwanan ng Batang Pier sa 57-40 sa second period.

Binanderahan ni Lowhorn ang Batang Pier sa kanyang game-high na 38 points, habang may 14 si Washington kasunod ang 13 ni Alex Cabagnot at 11 ni Romeo.

Ito ang ikatlong sunod na kamalasan ng Globalport.

Samantala, sasagupain naman ng Air21 ang Meralco ngayong alas-5:45 ng hapon, habang magtatagpo ang Alaska at ang Rain or Shine sa alas-8 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaro pa ang Ginebra (3-1) at Barako Bull (1-4) sa ikalawang laro kagabi. (RC)

ALEX CABAGNOT

BARAKO BULL

BATANG PIER

BEERMEN

GLOBALPORT

JUNE MAR FAJARDO

MALL OF ASIA ARENA

MOST VALUABLE PLAYER ARWIND SANTOS

PASAY CITY

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with