^

PM Sports

Sakto lang ang P30M na inilaan ng PSC para sa Asian Games

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sakto ang inilaan na P30 milyon pondo para sa paglahok ng pambansang koponan sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Sa panayam kay PSC chairman Ricardo Garcia matapos ang POC General Assembly kahapon sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City, sinabi ni Garcia na sagad na bilang ng mga atleta ay nasa 200 habang ang gastos sa bawat isa ay tinatayang nasa P130,000.00.

“Kasama na sa gastos ang air fare, $300 allowance at $50 a day sa billeting sa athletes quarters kaya nasa P130,000.00 ang gastos sa bawat isang atleta. Kung nasa 200 ang bilang na ipadadala, nasa P29 milyon na ito,” wika ni Garcia.

Patuloy ang usapin sa hanay ng mga Asian Games Task Force at ng mga NSAs na sasali sa kompetisyon at ang one-on-one meeting ay sesentro sa mga pangalan ng atleta na nakikita nila na puwedeng isama sa delegasyon.

Idinagdag pa ni Garcia na may mga NSAs na kumuha na rin ng pondo sa P50 million supplemental fund para sanayin ang kanilang mga atleta.

“Itong P50 million ay para sa training ng mga atleta for the Asian Games at hindi kasama rito ang hindi ipadadala sa Incheon. So far, as of today, nasa P20 million na ang ginamit para sa training,” banggit pa ng PSC chairman at Asian Games Chief of Mission.

Naniniwala naman si POC president Jose Cojuangco Jr. na mas maganda ang preparasyon na ginagawa ng atleta kumpara sa 2010 Guangzhou Asian Games.

“I think we are preparing our athletes better than the last time. Marami na ang nabigyan ng chance to train abroad and the NSAs to get coaches. Mas organize din ang Task Force ngayon,” ani Cojuangco. (AT)

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES CHIEF OF MISSION

ASIAN GAMES TASK FORCE

GARCIA

GENERAL ASSEMBLY

GUANGZHOU ASIAN GAMES

INCHEON

JOSE COJUANGCO JR.

MANDALUYONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with