Westbrook nag-ala-MVP
OKLAHOMA CITY -- Sa speech ni Kevin Durant nang siya ay tangha-ling Most Valuable Player ng liga, tinawag niya si Russell Westbrook na isang MVP-caliber player.
At ipinakita ito ni Westbrook nang banderahan ang Oklahoma City Thunder sa 105-92 paggupo sa San Antonio Spurs para itabla sa 2-2 ang kanilang Western Conference finals series.
Kumolekta si Westbrook ng 40 points, 10 assists at 5 steals para pa-ngunahan ang Thunder.
“Coach told us he needed maximum effort from us tonight, and it starts with me at point guard,’’ sabi ni Westbrook. “My job is to play both sides of the ball. If you want to win a championship, those are things you have to do.’’
Ito ang tumabla sa second-highest playoff point total ng career ni Westbrook at nabigong duplikahin ang kanyang 43 markers na kanyang iniskor noong 2012 NBA Finals.
Minsan ay naguguluhan ang mga fans kay Westbrook.
Ang kanyang taglay na dynamic athletic ability ang nagbibigay sa kanya ng napakataas na kumpiyansa na nagiging resulta ng mga ill-advised shots at may ugaling hawakan ng matagal ang bola na pumipigil sa kanilang opensa.
Ngunit sa Game 4, lahat ng tama ay ginawa ni Westbrook.
Tumipa siya ng 50 percent fieldgoals shooting at tumira lamang ng limang 3-pointers. Nagsalpak din siya ng 14-of-14 free throws.
“Sometimes he’s going to go off,’’ sabi ni Spurs guard Manu Ginobili. “He’s capable of doing that. If he makes a lot of jumpers, it gets really tough.’’
Nagdagdag naman si Durant ng 31 points, ang kanyang ikalawang highest-scoring game sa serye matapos malimitahan ang NBA’s leading scorer sa 22.7-point average sa unang tatlong laro.
Nag-ambag naman si Serge Ibaka ng 9 points at 8 rebounds para sa Thunder.
Kumolekta si Boris Diaw ng 14 points at 10 rebounds, habang may 14 markers si Tony Parker sa panig ng Spurs, isinuko ang taglay na 2-0 abante laban sa Thunder dala-wang taon na ang nakararaan at posibleng muling maulit muli ang 2-4 kabiguang nalasap sa kanilang serye ngayong season.
Ang San Antonio ang host sa Game 5 nitong Huwebes.
- Latest