^

PM Sports

4-teams unahan sa panalo

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mag-uunahan sa panalo ang apat na koponan para sa maikli at mabilisang 2014 PBA Governors’ Cup.

Lalabanan ng Rain or Shine ang ang Air21 ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang paghaharap ng Barangay Ginebra at Globalport sa alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ikatlong pagkakataon ay muling ibabandera ng Elasto Painters si 2011 PBA Best Import Arizona Reid para itapat kay Dominique Sutton ng Express, binigo ng nagkampeong San Mig Coffee Mixers sa semifinal round ng nakaraang PBA Commissioner’s Cup.

Tinulungan ng 6-foot-4 na si Reid ang Rain or Shine na makapasok sa Finals ng 2013 PBA Governors’ Cup kung saan sila pinayukod ng San Mig Coffee, itinampok si import Marqus Blakely.

Samantala, itatampok naman ng Gin Kings si Zaccheus Mason kontra kay balik-import Leroy Hickerson ng Batang Pier.

Kumpiyansa ang bagong Ginebra coach na si Jeffrey Cariaso na matutulungan sila ng University of Tennessee-Chattanooga standout na si Mason sa kanilang kampanya.

Muli namang maglalaro ang 6’2 na si Hickerson sa PBA para sa Globalport matapos kumampanya sa panig ng Air21.

Ang top four ay aabante sa quarterfinals kung saan mabibigyan ng ‘twice-to-beat’ incentive ang No. 1, No. 2, No. 3 at No. 4 kontra sa No. 8, No. 7, No. 6 and No. 5, ayon sa pagkakasunod.

Ang semifinals at ang Finals ay kapwa mga best-of-five series.

                           

 

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

BEST IMPORT ARIZONA REID

DOMINIQUE SUTTON

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

GLOBALPORT

JEFFREY CARIASO

LEROY HICKERSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with